August 24, 2004 - Letter from Randolph Velayo

Juan R. Liwag Memorial High School
Gapan City, Philippines
August 24, 2004

Sa Kinauukulan:

Ako ay si Randolph J. Velayo, 13 taong gulang, bunso sa aming pitong magkakapatid, at kasalakuyang naninirahan sa Bagong Sicat, San Vicente, Gapan City, NE. Sa pangangalaga ng aking nakatatandang kapatid na si Gng. Rodelita V. Carating at sa kanyang asawa na si G. Jesus A. Carating. Ang akin po na ina na si Gng. Lilia J. Velayo ay namatay na ng ako ay 5 taong gulang pa lamang at makalipas ang 4 na taon ay sinundan narin ito ng pagpanaw ng aking ama na si G. Rodolfo D. Velayo. Kaya ngayon po ay ulila na po kami. Salamat na lamng at mayroon po akong Ate na siyang nangangalaga at nag-aaruga sa akin. Sa kabila po ng aking pagiging ulila ako po ay nangangarap na baling araw ay makatapos ng aking pag-aaral. Kaya nga po ako ay mag-aaral na mabuti sa tulong po ng aking ate ay umaasa lamang sa isang tindahan at minsan ay kinakapos sa mga nakatatandang kapatid. Nagtutulong-tulong po lamang sila para kami po ng kapatid kong sina Rodeliza at Rodolfo ay makapag-aral. Subalit sa kahirapan minsan ay kinakapos kami, kahya nga nasabi nag aking ate, na sama aymagkaroon pa siya ng isa pang pagkakakitaan para masuportahan niya ang aming pag-aaral. Minsan nga po ay naaawa na po ako sa kanya sa kadahilanang siya pa nga itong di masyadong malaki ang kita ang siya pang nakatutulong ng malaki sa amin. Madalas po ay nananalangin ako na nawa makatapos po kami ng pag-aaral ng makaganti naman po ako sa ginagawang pagsuporta sa akin ng aking mga kapatid, lalu na ng aking ate. Salamat sa Diyos at dininig niya ang kagustuhan ko sa aking mga dalangin, dahil po sa pagpili po ng aking mga guro na ako po ay magkaroon ng “scholarship.” Sa pangunguna po ni Gng. Batongbakal na siya pong nagbigay nito sa ngalan ng OFFICERS AND MEMBERS OF ACES.

Maraming salamat po at akin pong gagawin ang lahat ng aking makakaya sa tulong ng Panginoon, upang huwag kong biguin ang aking mga kapatid at ang ACES. Sisikapin ko pong tumaas pa ang aking marka, upang di po masayang ang pagtitiwala ng ACES sa akin. Ang Pagpapala po ay sumainyo sa malaking tulong na ibinigay ninyo sa akin. Maraming salamat po uli!

RANDOLPH J. VELAYO